^

Probinsiya

Kumakandidatong kapitan dinale ng 2 holdaper

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines  —  Hinoldap ang isang konsehala ng bara­ngay na tumatakbong kapitan o tserman ng dalawang naka-bonnet na suspek sa Barangay Villa Veniegas sa Llanera, lalawigang ito noong Sabado ng gabi. Sa ulat, ang biktima na si konsehala Evelyn Castillo, 44-anyos ng Brgy. Villa Veniegas ay kasamang naglalakad ng kanyang mister na si Edwin upang bisitahin ang mga kaanak sa Purok 3, nang sila ay harangin ng mga suspek.

Tinutukan umano sila ng maigsing baril ng mga suspek, dahilan upang mapilitang ibigay ang bag ng biktima na may laman na P2,000 cash, assorted documents, tear gas, cellphone, at mga susi. Pero nang makalingat ang mga suspek, nagawa pang manlaban ni Edwin subalit pinalo siya ng matigas na bagay ng isa sa mga suspek, sanhi ng pagkadala sa kanya sa Sacred Heart of Jesus Hospital sa San Jose City. Hindi naman ng nasaktan ang nasabing kagawad sa insidente. 

vuukle comment

HINOLDAP

KAPITAN O TSERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with