^

Probinsiya

Misis kinatay ni mister

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 35-anyos na misis sa kamay ng kanyang asawa matapos siyang pagsasaksakin ng huli sa kanilang bahay sa Brgy. Bagacay sa Mobo, Masbate kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa rami ng saksak ang biktimang si Maria Janice Dalida habang arestado ang mister nitong si Christian Dalida, 35, habal-habal driver; pawang ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi, narinig umano ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawang Dalida. Ilang sandali, nakitang sumisigaw na palabas ng bahay ang biktima habang hinahabol at patuloy na sinasaksak ng kanyang mister.

Sa rami ng tinamong saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan, agad na nasawi si Janice sa harap mismo ng kanilang bahay. Agad na humingi ng saklolo sa mga pulis ang kanilang kapitbahay at naaresto ang mister na hawak pa ang patalim na ginamit sa pananaksak sa kanyang asawa.

vuukle comment

PAGSASAKSAKIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with