^

Probinsiya

2,000 parak idineploy sa Masbate vs armed groups

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aabot sa 2,000 pulis na bubuo sa Regional Special Operation Task Group (RSOTG) mula sa Police Regional Office 5 na nakabase sa Camp Gen. Simeon Ola, sa lungsod na ito ang ipinadala sa lalawigan ng Masbate laban sa mga armed groups na magtatangkang manabote sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ang RSOTG ay pi­nangungunahan bilang task group comman­der ni Sr. Supt. Jerry Linsagan, ang deputy regional director for operation ng PRO5.

Ayon kay Senior Inspector Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Police, kasama sa ipinadala sa Masbate ang isang company-sized na Special Action Force na nagmula sa Camp Crame.

Maliban dito, ma­ka­katuwang din ng RSOTG ang mga sundalo mula sa Philippine Army lalo na sa paghabol sa mga pinaniniwalaang mga private armed groups sa lalawigan.

Bahagi ng pagha­handa ay pansamantala munang pinalitan ni Regional Director P/chief Supt. Antonio Gardiola Jr. ang nakaupong provincial director ng Masbate na si Sr. Supt. Froilan Elopre at itinalaga siya sa loob ng regional headquarters.

Pinalitan si Elopre ni Sr. Supt. Foilan Navarrosa na uupo bilang OIC provincial director sa buong panahon ng halalan.

vuukle comment

REGIONAL SPECIAL OPERATION TASK GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with