^

Probinsiya

Sarhento utas sa sundalong nag-amok

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 44-anyos na sarhento ng Phil. Army habang kritikal naman ang isang Cafgu makaraang pagbabarilin ng isang sundalo na nag-amok sa loob ng kampo sa Barangay Sicalao, bayan ng Lasam, Cagayan kamakalawa. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ramil Alipio, hepe ng Lasam PNP, bigla na lamang pinababaril ni Pfc. Ryan Mark Rapat ang mga biktimang sina T/Sgt. Melanio Zalun at Dexter Cristobal, 28, na noon ay nasa mess hall ng 17th Army Infantry Battalion. Patawirin naman sa Cagayan Valley Medical Center si Cristobal na may tama ng bala sa ulo at dibdib. Ayon sa ulat, namataang kausap ng biktimang sarhento ang suspek bago ito nagpunta sa kanyang kuwarto sa kampo at nang bumalik na may bitbit nang baril. Pinaniniwalaang may war shock at lango sa alak si Rapat nang mag-amok ito saka tumakas. ?

vuukle comment

NICE GUYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with