^

Probinsiya

63-anyos lolo nabagsakan ng bato, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 63-anyos na lolo makaraang aksidenteng mabagsakan ang ulo nito ng isang malaking tipak na bato na gumulong mula sa bundok sa Brgy. Dacanlao, Calaca, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Dumas, mangingisda, residente ng Brgy. Sampaga, Balayan, lalawigang ito. Siya at matanda ay may malaking sugat sa ulo na siya itong dagliang ikinasawi mula sa batong nalaglag sa bundok at aksidenteng tumama sa ulo nito.

Sa ulat ng Batangas Police, bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tabing dagat ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nakita sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang malaking tipak ng bato na may bahid pa ng dugo ng matanda.?

Nabatid na ang matanda ay nagpaalam pa sa kanyang anak noong Enero 27, 2016 na mangingisda pero hindi na nakauwi pa sa kanilang tahanan hanggang sa madis­kubre itong bangkay. Wala namang nakikitang foul play sa pagkasawi ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BALAYAN

BATANGAS

BATANGAS POLICE

BRGY

CALACA

DACANLAO

ENERO

RODRIGO DUMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with