^

Probinsiya

GRO kinatay ng lover sa lodging house

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 25-an­yos na guest relations officer (GRO) ng kanyang lover ma­tapos silang magcheck-in sa isang lodging house sa Bakakeng Central, Baguio City, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Mercy Daguyin Mapili, isa umanong GRO ng beerhouse, at nakatira sa Camp 6 Tuba, Benguet.

Ayon kay Sr. Supt.George Daskeo, hepe ng Baguio City Police na nadakip sa isang follow up ope­ration si Romeo Palitayan Vibal, 44, taxi driver matapos niyang takasan ang pagkatay kay Mapili.

Nabatid na tumakas si Vibal sa pagdaan sa bintana ng kanilang kuwarto sa Nova lodge.? Aniya, nagdilim ang isip niya matapos pagbantaan ng biktima na ibubulgar nito ang kanilang relasyon sa kanyang misis kapag hindi nito taasan ang pagbibigay ng sustento.?

Dahil sa hirap rin ang suspect na buhayin ang misis at anim na anak ay naisip nitong wakasan ang luho ng babae. Matapos ang kanilang matin­ding pagtatalo, pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan saka iniwan na nakabalot ng kumot sa loob ng nasabing motel.

Nadiskubre ng security guard na si John Paul Le­ngueb ang krimen sa Room No. 32 ng Nova lodge na matatagpuan sa Bengao Road, Bakakeng Central dakong alas-3:55 ng hapon noong Huwebes.

Agad namang inireport sa Police Station 10 ng Baguio City Police ni Danilo Doque, branch manager ng El Dorado Security Agency.

Sa pagsisiyasat, dakong alas-4:24 ng madaling-araw noong Miyerkules nang mag-check-in sa nasabing lodging house ang dalawa.

Kinabukasan nitong Huwebes ng alas-5 ng umaga, tinawagan sa telepono ng security guard ang Room 32 dahil sa kalabugan o ingay na narinig mula sa loob nito.

Sinagot naman umano ng lalaki na kasama ng biktima ang telepono sa pagsasabing  mainit lamang ang kanilang romansa kung kaya may kalabugan.

Gayunman, ilang oras pa ay nagmadaling tumakas ang nasabing lalaki  at nang inspeksyunin ng guwardiya ang silid, dito na tumambad ang duguang katawan ng babae na tadtad ng saksak at nakabalot pa sa bedsheet.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

BAKAKENG CENTRAL

BENGAO ROAD

DANILO DOQUE

EL DORADO SECURITY AGENCY

GEORGE DASKEO

HUWEBES

JOHN PAUL LE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with