^

Probinsiya

3 karnaper nadakip

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUMACA, QUEZON, Philippines – Mistulang eksena sa pelikula ang nangyari nang habulin ng mga otoridad ang isang kotse na kinalululanan ng tatlong lalaki na hinihinalang karnaper bago ito naaresto kamakalawa sa Barangay Bagong Buhay ng bayang ito.

Nakapiit na ngayon at kinasuhan ang mga nadakip na sina Gilbert Bancaro, 25, binata ng Camarines Sur; Edgard Tolentino, 26 ng Tiaong, Quezon; at ang 16 anyos na itinago sa pangalang Leo, pawang mga car wash boy.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng tip ang mga otoridad tungkol sa isang Toyota Fortuner (VFP-602) na kinarnap mula sa Candelaria, Quezon.

Tiyempo namang dumaraan sa tapat ng kampo ng PNP sa Barangay Rosario ang nasabing sasakyan na lulan ng mga suspek at pinara sila subalit sa halip na huminto ay nagpatuloy ito sa pagharurot hanggang sa magkaroon ng ilang minutong habulan.

Nasakote ang mga suspek nang mapadaan sila sa malapit sa mga kabahayan at hindi na nakapalag nang mapalibutan ng mga otoridad.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY BAGONG BUHAY

BARANGAY ROSARIO

CAMARINES SUR

CANDELARIA

EDGARD TOLENTINO

GILBERT BANCARO

MGA

QUEZON

TOYOTA FORTUNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with