^

Probinsiya

12-anyos estudyante todas sa SUV!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 12-anyos na elementary student matapos na salpukin ng isang SUV ang sinasakyan nitong school service na tricycle habang bumabagtas papasok sa kanyang paaralan sa kahabaan ng C.M. Delos Reyes Ave., Brgy. Poblacion 1, Ama­deo, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Mark Brian Digman, ele­mentary student  ng Brgy. 4 Poblacion, Amadeo.

Agad na naaresto ang driver ng SUV na si Edmund Declaro, 50, may-asawa, isang doktor at residente ng #27 Mahini St. Lemery, Batangas na nagtangka pang tumakas nang maispatan siya habang naka-park sa isang food chain sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias, Cavite.

Sa ulat ni PO1 Glenford Alcaraz, dakong alas-7:30 ng umaga habang sakay ang biktima sa school service na tricycle (WX 4903) na minamaneho ni Louie Javier na nasugatan din sa insidente, nang biglang salpukin ito ng nag-overtake na kulay silver gray na SUV (VEX 452) na minamaneho ni Declaro.

Nabatid na masyadong mabilis ang patakbo ng nasabing SUV at ng mag-overtake ito, hindi na nakaiwas ang kasalubong na tricycle lulan ang mga biktima hanggang tuluyan itong nasalpok.

Sa lakas ng bangga, tumilapon ang bata na backrider ng tricycle at bumagsak sa sementadong kalsada.

Sa halip na tumigil, mabilis na humarurot papatakas ang SUV. Isang bystander naman ang nakakuha ng plaka ng sasakyan  at agad na isinailalim sa hot pursuit operation ng Cavite Police.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot pang buhay.

Ilang oras lamang, naispatan ang SUV sa may harap ng kilalang food chain sa General Trias, Cavite at inaresto si Declaro.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CAVITE

CAVITE POLICE

DECLARO

DELOS REYES AVE

EDMUND DECLARO

GENERAL TRIAS

GLENFORD ALCARAZ

LOUIE JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with