^

Probinsiya

P6.7-M natangay sa bank hold-up

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa P6.7M halaga ng mga cash at tseke  ang natangay ng hindi pa nakilalang mga armadong holdaper sa naga­n­ap na robbery /holdup sa sangay ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa .

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-9:30 ng umaga ng maganap ang panghoholdap sa sangay ng UCPB sa kahabaan ng San Nicolas-Diez Streets, Brgy. Taft ng lungsod na ito.

Kabubukas lamang ng bangko ng dumating ang mga suspek na lulan ng dalawang kulay itim na XRM na motorsiklo at dinisarmahan ang security guard ng bangko na si Efren Doquilla habang ang isa pa ay inatake naman ang isa pang security guard na si Lancelot Balaba na nasa loob ng bangko na tumagal lamang ng ilang minuto.

Kabilang sa natangay ng mga suspek ay P 4.4 M cash  at P2.3 M tseke o kabuuang P 6.7 M habang bukod dito ay nilimas din ang pera at cellphone  ng mga depositor ng bangko.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

EFREN DOQUILLA

LANCELOT BALABA

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

SAN NICOLAS-DIEZ STREETS

SURIGAO CITY

UNITED COCONUT PLANTERS BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with