^

Probinsiya

2 holdaper todas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na pinaghihinalaang motorcycle riding-in- tandem na holdaper ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa checkpoint sa hangganan ng Brgy. Labit Proper, Brgy Pinmaludpod, Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa. Nakilala ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng nakuhang ID sa bangkay nito na si Fred Victorio, 43, ng Lucao District, Dagupan City habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ang nasawi nitong kasamahan. Batay sa ulat, bago nakasagupa ng mga otoridad ang dalawang suspek, bandang ala-1:00 ng madaling araw ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad sa kahina-hinalang presensya ng mga suspek na lulan ng kulay pulang XRM motorcycle na paikot-ikot sa Brgy. Labit ng lungsod na ito. Agad naglatag ng checkpoint ang SWAT operatives sa may paanan ng tulay patungong provincial road kung saan tumangging magpa-inspeksyon ang mga suspek pagdaan dito. Pinaharurot ng mga suspek ang motorsiklo  at pinaputukan din ang SWAT operatives na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng mga una.

vuukle comment

ANG

BATAY

BRGY

BRGY PINMALUDPOD

DAGUPAN CITY

DALAWANG

LABIT

LABIT PROPER

LUCAO DISTRICT

MGA

URDANETA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with