^

Probinsiya

Mister nilapa ng 5 asong Belgian Malinois

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na mister matapos itong lapain ng limang asong Belgian Malinois sa Barangay Camanag Riverside sa Urdaneta City, Pangasinan noong Linggo ng gabi. Nagtamo ng malalalim na sugat mula sa pangil ng limang asong may kakaibang lahi ang biktimang si Lito Abucayan. Sa  naantalang ulat ng Urdaneta City PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-7 ng gabi habang naglalakad ang biktima nang habulin ito ng limang asong Belgian na sinasabing nakakawala sa bakuran ng isang residente. Nagawang umakyat ng biktima sa mababang puno ng niyog pero dumausdos ito pababa kaya pinagtulungang lapain hanggang sa mapatay ng mga aso. Bagama’t naisugod sa pagamutan ay idineklara ng patay ang biktima habang inaalam ng pulisya ang pananagutan ng may-ari ng mga aso.

vuukle comment

ANG

BAGAMA

BARANGAY CAMANAG RIVERSIDE

BELGIAN MALINOIS

CAMP CRAME

LINGGO

LITO ABUCAYAN

MASAKLAP

NAGAWANG

NAGTAMO

URDANETA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with