^

Probinsiya

P.2-M alahas nalimas sa jewelry shop

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Tinatayang aabot sa P.2 mlyong halaga ng alahas ang nalimas makaraang pasukin ng limang armadong kalalakihan ang isang jewelry shop sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Naganap ang nakawan dakong alas-10:30 ng umaga makaraang magpanggap na mga customer ang limang kawatan sa P. Zuñiga Jewelry Shop. Sugatan ang security guard na si Melchor Cu matapos paluin sa ulo ng baril ng isa sa limang holdaper. Binasak ng mga kawatan ang salamin ng display rack saka tinangay ang mga alahas at ang cal. 38 revolver ng sekyu saka tumakas lulan ng tatlong motorsiklo. Sa follow-up operation nina P/Senior Insp. June Tabigo-on at P/Chief Insp. Leopoldo Estorque, narekober ang isa sa tatlong motorsiklo (OO-2316) sa Brgy. Baesa, Quezon City. Kasalukuyang sinusuri ng pulisya ang footage ng CCTV camera sa nasabing jewelry shop para makilala ang mga suspek.

 

vuukle comment

ANG

ATILDE

BRGY

CHIEF INSP

JEWELRY SHOP

JUNE TABIGO

LEOPOLDO ESTORQUE

MELCHOR CU

MEYCAUAYAN CITY

QUEZON CITY

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with