^

Probinsiya

2 todas sa pananambang

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa katao ang patay makaraang tambangan at pagbabarilin sa Sitio Marabuay, Barangay Bao, Alamada, North Cotabato kahapon.

Ayon kay P/Supt Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office,  ang mga nasawi ay sina Anwar Sumplay at Taib Tuanadatu,  nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo ga­ling sa kanilang tahanan patungo sa bayan ng Libungan ngunit pagsapit nila sa Sitio Patel, Brgy. Bao Alamada, bigla na lang lumutang ang mga suspek at saka sila pinagbabaril ng M1 garand rifles at M-16 armalite rifles.

Agad na binawian ng buhay ang mga biktima nang sila ay magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at saka tumakas ang mga suspek sa Brgy Bao sa bayan ng Alamada.

Awayan sa pamilya o rido ang natatanaw na motibo ng pulis­ya sa nangyaring pananambang sa mga biktima sa probinsya ng Cotabato.

vuukle comment

ACIRC

ALAMADA

ANG

ANWAR SUMPLAY

BAO ALAMADA

BARANGAY BAO

BRGY BAO

COTABATO (NORTH)

COTABATO POLICE PROVINCIAL OFFICE

NORTH COTABATO

SITIO MARABUAY

SITIO PATEL

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with