^

Probinsiya

Pulis sinapak ng trike driver

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng 28-anyos na trike driver matapos sapakin ang isang miyembro ng PNP na humuli sa kanya dahil sa traffic violation sa Barangay 6, Lucena City sa Quezon, ayon sa ulat  ng pulisya.

Kinasuhan ng paglabag sa Article 148 (direct assault) ang suspek na si Czesar Ian Castillo ng Sariaya, Quezon.

Ayon kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, nagmamando ng trapiko sa Juarez Street si PO3 Marzo Samaniego nang mamataang may ginawang traffic violation ang suspek.

Hiningi ng pulis ang lisensya ni Castillo upang tiketan subalit sinuntok siya nito sa ulo at mukha.

Sa kabila nang ginawa ng suspek ay hindi gumanti ang pulis at sa halip ay hinuli niya ito.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na sinapak ang nasabing pulis dahil sa panghuhuli sa mga pasaway na driver.

Tumanggap na ng parangal ang nasabing pulis dahil sa masigasig nitong pagpapatupad ng batas trapiko kahit sinasaktan ng ilang motorista.

vuukle comment

ANG

AYON

CZESAR IAN CASTILLO

HININGI

JUAREZ STREET

KINASUHAN

KULUNGAN

LUCENA CITY

MARZO SAMANIEGO

QUEZON

SARIAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with