^

Probinsiya

Ambush: Doktor sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang 48-anyos na doktor na hepe ng provincial health office matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Baritao, bayan ng Manaoag, Pangasinan noong Miyerkules ng gabi.

Kasalukuyang nasa Nazareth Hospital sa Dagupan City ang biktimang si Dr. Jeremy Rosario, dating Board member ng 4th District ng Pangasinan, at officer-in-charge ng Mapandan Community Hospital.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Reynaldo Biay na isinumite sa Camp Crame, naganap ang pananambang habang lulan ng Toyota Avanza (SFH 778) ang biktima bandang alas 6:57 ng gabi.

Tumama ang bala ng baril sa kanang bahagi ng bintana at unahang bahagi sa upuan ng driver’s seat kaya nasugatan ang biktima sa kaliwang balikat.

Nagawa pa ring magmaneho ng biktima patungo sa Mapandan Community Hospital habang mabilis namang nagsitakas ang gunmen patungo sa Brgy. Poblacion.

Narekober sa crime scene ang mga bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

BARANGAY BARITAO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DAGUPAN CITY

DR. JEREMY ROSARIO

MAPANDAN COMMUNITY HOSPITAL

NAZARETH HOSPITAL

PANGASINAN

REYNALDO BIAY

TOYOTA AVANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with