^

Probinsiya

Buntis sinapak sa birthday party, dedo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 34-anyos na buntis matapos itong sapakin at gulpihin ng babaeng kanyang nakaalitan sa birthday party sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Imelda Castillo, dalawang buwang buntis at nakatira sa Northville 4 sa nasabing barangay.

Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote naman ang suspek na si Mary Rose Araneta, 32, ng nabanggit ding barangay.

Ayon kay PO3 Marcelo Galsim, dumalo sa birthday party ng kanyang pamangking babae ang biktima nang mamataan nito ang suspek na kumakanta sa saliw ng videoke.

Kaagad na sinita ng biktima ang suspek kung saan nauwi sa matinding pagtatalo hanggang sa mauwi sa pana­napak at panggugulpi sa buntis.

Sinasabing dinugo ang biktima dahil sa matinding pananapak at panggugulpi ng suspek kaya isinugod sa nasabing ospital kung saan pinauwi naman ng mga doctor sa pag-aakalang minor injuries ang tinamo ng babae.

Kinabukasan ay hindi na nagising ang biktima na pinaniniwalaang nagka-com­plikasyon sa pagbubuntis ang ginawa ng suspek.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LAMBAKIN

BINAWIAN

BULACAN

IMELDA CASTILLO

MARCELO GALSIM

MARY ROSE ARANETA

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

ROGASCIANO M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with