^

Probinsiya

Bangkay ng babae iniluwa ng dagat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Isang di pa nakikilalang katawan ng babae ang natagpuang palutang lutang sa tubig dagat sa Brgy. 49, San Antonio, Cavite City, kamakalawa ng hapon.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang biktima na nakita ng dalawang mangingisda habang ang mga ito ay nasa dagat at nangingisda.

Palutang lutang umano ang katawan ng biktima malapit sa fish cages ng nasabing dagat. Sa pagsisiyasat ng pulisya, wala umano silang nakikitang anumang sugat sa biktima kung kaya malaki ang paniniwala ng mga ito na galing sa dagat ng Maynila ang biktima at tinangay lamang ng malakas na alon patungo sa Cavite.

Nananawagan ang pulisya sa sinumang nawawalan ng kanilang kaanak na magtungo sa kanilang himpilan upang kilalanin ang biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

CAVITE CITY

HANGGANG

ISANG

MAYNILA

NANANAWAGAN

PALUTANG

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with