^

Probinsiya

Dalaw sa kulungan tiklo sa shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Natuluyang magdaos ng Bagong Taon sa kulungan ang 31-anyos na babae matapos na masamsaman ng shabu sa kanyang  underwear na tinangkang ipuslit upang ibigay sa nakapiit nitong kapatid sa Barangay Poblacion 3, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ay nagtungo sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Liezel Kalaw ng Barangay Lusacan upang bisitahin ang nakapiit na kapatid na si Rodelio Kalaw. Gayon pa man, nag-atubili itong pumasok kahit hindi na narerekisa ng guwardiya ang mga bitbit na gamit. Dahil sa kahina-hinalang ikinikilos ng suspek ay dinala ito sa Womens Desk Section at sa pamamagitan ni PO3 Helen Ranido ay kinapkapan ito. Kaagad namang umamin ang suspek na may dalang plastic sachet ng shabu at paraphernalia kung saan ibibigay sa kanyang kapatid.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY LUSACAN

BARANGAY POBLACION

DAHIL

GAYON

HELEN RANIDO

KAAGAD

LIEZEL KALAW

NATULUYANG

RODELIO KALAW

WOMENS DESK SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with