^

Probinsiya

Pulis, 4 pa sinuwag ng kalabaw

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lima-katao kabilang ang isang pulis ang nasu­gatan makaraang suwagin ng nagwawalang kalabaw  na nakatakda na sanang katayin sa Barangay Putik, Zamboanga City, Zamboanga del Sur noong bisperas ng Bagong Taon.

Naisugod sa Zamboanga Peninsula Medical Center ang mga sugatang sina SPO1 Sylvia Dicen, Gian Ozzy  Romo, 6; Joseph Pulad, 34; Sarah Jean Seballos, 20; at si Shikenah Tueres,15, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nakatakda na sanang katayin ang kalabaw na pag-aari ni Barangay Kagawad Nolia para sa pagsalubong sa Bagong Taon ng magwala ito sa kahabaan ng Gutierrez Drive bandang alas-9:30 ng umaga.

Tiyempo namang napadaan sa nasabing lugar si SPO1 Dicen kaya sinusuwag ng kalabaw kung san nadamay ang iba pang biktima.

Naalarma naman ang mga residente kaya pinagtulungang hulihin bagama’t ilan sa mga ito ay nagtamo ng sugat at galos.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY KAGAWAD NOLIA

BARANGAY PUTIK

GIAN OZZY

JOSEPH PULAD

SARAH JEAN SEBALLOS

SHIKENAH TUERES

SYLVIA DICEN

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA PENINSULA MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with