^

Probinsiya

Nawawalang hepe ng Limasawa PNP, 6 pa natagpuan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuan na rin at nasa ligtas na kalagayan ang hepe ng  Limasawa PNP at anim na iba pa makaraang anurin ng malakas na alon ang kanilang bangka habang naglalayag patungo sa Limasawa Island, Southern Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region VIII, taliwas sa pangambang lumubog ang bangkang sinasakyan nina P/Inspector Richard Castañares ay napadpad lamang ito sa dalampasigan ng Barangay Sta. Rosario sa Maasin City.

Si Castañares, hepe ng Limasawa Island PNP  kasama ang apat na sakristan at dalawa pang tripulante ng bangka ay naglayag noong Lunes ng hapon patungo sa kanilang isla mula sa pantalan ng Brgy. San Roque, Macrohon, Southern Leyte.

Gayon pa man, napaulat ang pagkawala ng mga ito kamakalawa ng umaga dahil sa sinasabing lumubog ang kanilang Bangka dulot ng masamang panahon.

Natagpuan ng mga residente sa tabing dagat ang mga biktimang nanlulupaypay kaya agad namang isinugod sa pagamutan.

Labis naman ang pasasa­lamat ng pamilya nina Castañares dahil naisalba ang buhay ng mga ito sa gitna ng masungit na panahon dulot ng bagyong Seniang.

vuukle comment

BARANGAY STA

INSPECTOR RICHARD CASTA

LIMASAWA ISLAND

MAASIN CITY

NATAGPUAN

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SAN ROQUE

SI CASTA

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with