^

Probinsiya

‘Drug trader’ nilikida

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Bulagta ang 50-anyos na mister na sinasabing notoryus na nagtutulak ng shabu matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen habang nakikipag-usap sa kanyang anak sa Barangay Subic, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Limang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Juaning Gonzales ng F. Rustia extention sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon nina PO3 Jeshrael Yahwe Giron at PO2 Joselito Guevarra, magkausap ang biktima at anak na si Jomar nang  lapitan at pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Hindi naman idinamay ang anak na nasaksihan ang pagpatay sa kanyang ama na naisugod sa Marcelo Hospital subalit idineklarang patay.

Isinuko naman sa pulis­ya ng mga umasikasong doktor ang dalawang plastic sachet ng shabu na narekober sa bulsa ng biktima.

vuukle comment

BALIWAG

BARANGAY SUBIC

BULACAN

BULAGTA

ISINUKO

JESHRAEL YAHWE GIRON

JOSELITO GUEVARRA

JUANING GONZALES

MARCELO HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with