^

Probinsiya

Kerida kumalas kay mister, kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 40-anyos na babae na sinasabing kumalas sa bawal na pakikipagrelas­yon matapos itong pagsasaksakin ng kanyang lover sa harap ng karinderya sa Central Barangay, Dipolog City sa Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Zamboanga del Norte Medical Center ang biktimang si Nelda Porlas habang arestado naman ang 55-anyos na suspek na si Feliciano “Fell” Pastor.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, labis na dinamdam ng suspek ang pakikipaghiwalay matapos mapagtanto ng biktima na walang patutunguhan ang kanilang bawal na relasyon.

Nabatid na iniwasan at pinagtaguan ng biktima  ang suspek hanggang sa makorner siya sa harapan ng Kanto Fiesta Carinderia  sa kahabaan ng Lacaya Street sa panulukan ng General Luna Street sa nasabing barangay.

Gayon pa man, tu­mang­gi na ang biktima na maki­pagbalikan sa suspek hanggang sa maganap ang pamamaslang.

Nasakote ang suspek matapos rumespode ang pulisya sa crime scene habang hawak pa ang duguang patalim na nagkagulo ang mga tao bunga ng insidente.

Narekober ang kapirasong papel na naglalaman ng sulat ng suspek na kaya niya pinaslang ang biktima ay dahil hiniwalayan siya nito.

vuukle comment

CAMP CRAME

CENTRAL BARANGAY

DIPOLOG CITY

GENERAL LUNA STREET

KANTO FIESTA CARINDERIA

LACAYA STREET

NELDA PORLAS

NORTE MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with