^

Probinsiya

Suspek sa ambush kay Rep. Belmonte timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na hinihinalang sangkot sa pananambang sa convoy ni Iligan City Lone District Rep. Vicente “Varf” Belmonte Jr., sa Laguindingan, Misamis Oriental nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Supt. Rober­to Mendoza, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 10 ang nasakoteng suspek na si Dominador Tumala, 52, umano’y da­ting miyembro ng New People’s Army (NPA) ng Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte.

Ang suspek na isang dayo lamang sa lugar ay nasakote ng pulisya matapos itong bumili ng makakain sa isang tindahan sa bayan ng Laguindingan.

Nakapaa ang suspek at umano’y kahinahinala ang kilos at ng matanong ay sinabing dumalaw lamang ito sa burol ng kaniyang ina pero hindi naman nito maituro kung saang lugar ito sa nasabing bayan.

Sa puntong ito ay dito na nagkunwaring baliw ang suspek upang makaiwas sa pag-aresto ng pulisya na nagsasagawa ng law enforcement operations sa lugar at checkpoint bunga ng insidente.

Noong Huwebes dakong ala-1:45 ng hapon ay tinambangan ng mga armadong kalalakihan na lulan ng van ang convoy ni Belmonte na kagagaling lamang sa Laguindingan airport at patungo na sa Iligan City. Sa nasabing insidente ay nasugatan si Belmonte at dalawa pa nitong tauhan habang tatlo pa ang nasawi kabilang ang dalawa nitong security escort.

Magugunita na una nang inihayag ni Belmonte na pulitika ang hinihinala niyang motibo ng insidente.

vuukle comment

BELMONTE

BELMONTE JR.

DOMINADOR TUMALA

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY LONE DISTRICT REP

LAGUINDINGAN

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

NOONG HUWEBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with