^

Probinsiya

48 estudyante nalason sa ‘cassava balls’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaratay sa pagamutan ang 48 elementary pupils matapos na malason sa kinaing cassava balls sa kantina ng kanilang eskuwelahan sa Don Marcelino, Davao Oriental kamakalawa.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa Jose Villanueva Elementary School sa nasabing ba­yan dakong alas-10:05 ng umaga matapos na bumili ang mga batang nasa edad 6-12-anyos ng kanilang meryenda.

Gayunman, matapos makain ang ‘cassava balls’  ilang sandali pa ay nagsimula ng mamilipit sa matinding sakit ng tiyan, dumanas ng matinding pagkahilo, pananakit ng ulo at pagsusuka ang mga biktima kaya naman agad na isinugod ang mga ito sa pagamutan.

Sa pagsusuri ng mga health officials, nabatid na hinaluan ang bagong lutong cassava balls ng panis na lumilitaw na siyang nakalason sa mga kabataang estudyante. Inaalam na ang pananagutan ng cook  at ng may-ari ng nasabing canteen sa naganap na insidente.

vuukle comment

AYON

BALLS

DAVAO ORIENTAL

DON MARCELINO

GAYUNMAN

INAALAM

JOSE VILLANUEVA ELEMENTARY SCHOOL

NAKARATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with