^

Probinsiya

5 pulis nang-hijack ng van

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Muli na namang nasangkot sa kontrobersiya ang hanay ng kapulisan matapos na ituro ang limang pulis na sinasabing responsable sa panghahaydyak ng van ng kargamento sa Barangay Minuyan, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasalukuyan nang tinutugis ang limang kalalakihan na naka-asul na patrol shirt uniform at itim na jacket na tumakas lulan ng kotse na walang plaka.

Inireklamo ang limang pulis ng driver at pahinante ng van na sina Anthony Acebuche, 21, drayber, ng Brgy. Fatima I; Jayson Mangyari, 25, ng Brgy. Kaypian sa San Jose Del Monte City; at si John Perry Rolan, 25, ng Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dwight Danao,  hinarang ng limang kalalakihan unipormado ng asul na t-shirts ng pulis na lulan ng kotseng may wang-wang ang delivery van na kargado ng furniture sets pagsapit sa nabanggit na barangay.

Kaagad na pinababa sa van ang mga biktima saka iginapos ang mga kamay at paa bago iniwan sa bakanteng lote  sa Brgy. Carissa I, San Jose Del Monte City.

Tinangay ng limang armadong kalalakihan ang delivery van na may kargamento.

vuukle comment

ANTHONY ACEBUCHE

BAGONG SILANG

BARANGAY MINUYAN

BRGY

CALOOCAN CITY

CARISSA I

DWIGHT DANAO

FATIMA I

JAYSON MANGYARI

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with