^

Probinsiya

Sasakyan swak sa bangin: 2 ministro ng INC utas

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   - Kamatayan ang sumalubong sa dalawang ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC)  habang dalawa pa nitong kasamahan ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa may 35-metrong lalim na bangin sa bayan ng Ladia, Sultan Kudarat, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Ismael Madin, hepe ng Sultan Kudarat PNP ang namatay na sina Freddie Itak, 40; at Ariel Rizaldo, 42, driver, habang naisugod naman sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga sugatang sina Jay Tubio, 33; at Jun Bikog, mga ministro rin ng INC at pawang nakatira sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Base sa police report, patungo sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato ang mga biktimang lulan ng berdeng sasakyan (LCV-332) mula Cotabato City nang mag-overtake ang driver nito na si Rizaldo sa sinusundang  motorsiklo.

Dahil sa may kalumaan at lubak-lubak na highway ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at biglang kumanan kung saan nagtuluy-tuloy na nahulog sa bangin.

vuukle comment

ARIEL RIZALDO

COTABATO CITY

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

FREDDIE ITAK

IGLESIA NI CRISTO

ISMAEL MADIN

JAY TUBIO

JUN BIKOG

NORTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with