^

Probinsiya

DJ na ex-beauty queen, patay sa ‘selfie’

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 23 anyos na dalagang radio disk jockey (DJ) at dating beauty titlist sa Mutya ng South Cotabato matapos na mabagsakan ng malaking tipak na bato sa ulo habang nagse-selfie photo sa pamosong Seven Falls sa bayan ng Lake Sebu ng lalawigan noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ayana Grico, ng Surallah, South Cotabato, nagtratrabaho bilang DJ sa Cebu at nagbabakasyon lamang sa kanilang bayan. Siya ay nagtapos ng Ba­chelor in Mass Communications sa Notre Dame of Dadiangas sa General Santos City.

Bandang alas- 3 ng hapon nang maganap ang trahedya sa excursion nina Grico at mga kaibigan nito sa Seven Falls na dinarayo sa Lake Sebu.

Sa pahayag ng mga kaibigan ng biktima sa mga awtoridad nakatayo sa Second Falls si Grico habang pinipik­tyuran ang sarili bilang souvenir nang aksidente itong mabagsakan ng malaking tipak na bato sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Sa isang radio interview, sinabi ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na ipinag-utos na niya ang masusing imbestigasyon upang mabatid kung paano nakapasok sa ‘restricted area ‘ ang biktima.

Aminado ang gobernadora na may mga area sa 7 falls na nilagyan ng ‘warning sign’ at may sapat na personnel at tourist police na nagbabantay sa mga turistang bumibisita sa pamosong lugar.

 

vuukle comment

AYANA GRICO

GENERAL SANTOS CITY

GRICO

LAKE SEBU

MASS COMMUNICATIONS

NOTRE DAME OF DADIANGAS

SECOND FALLS

SEVEN FALLS

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with