^

Probinsiya

P200-M ari-arian tupok sa kidlat

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Aabot sa P200M halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang pabrika ng sinulid at tela na sinasabing tinamaan ng kidlat kamakalawa ng gabi sa Barangay Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan. Bandang alas-8:30 ng gabi nang mag-umpisang masunog ang Globetext Corporation na pag-aari ni Macaria Ang na nasa Nicolas Street sa nabanggit na bayan. Base sa imbestigasyon ng pulis­ya, lumilitaw na tinamaan ng matalim na kidlat ang industrial exchaust fan sa bubong ng pabrika habang umuulan.

Gayon pa man, biglang sumiklab ang apoy kung saan kaagad na kumalat sa nakaimbak na mga sinulid at tela sa ikalawang palapag hanggang sa umabot na ito sa buong pabrika.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga bumbero mula sa iba’t ibang bayan hanggang sa tuluyang naapula ang apoy bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Wala namang nasuga­tan o namatay na mga trabahador ng nasabing pabrika habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

AABOT

BANDANG

BARANGAY TAAL

BOCAUE

BULACAN

GAYON

GLOBETEXT CORPORATION

MACARIA ANG

NICOLAS STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with