^

Probinsiya

Apo tumanggi sa utos ng lolo, inatado

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Nakikipaglaban kay kamatayan ang 23-anyos na lalaki na sinasabing tumanggi sa utos ng kanyang lolo matapos itong pagtatagain ng matanda kamakalaw ng umaga sa Barangay 14, bayan ng Bacacay, Albay.

Naisugod naman sa Ziga Memorial District Hospital ang biktimang si Amiel Hiray habang nasakote naman ang suspek na si Reynerio Bellen, 64, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11;45 ng umaga habang ang biktima ay nananghalian sa kanilang bahay kung saan inutusan ito ng kanyang lolo na umigib ng tubig.

Subalit sinagot nito ang kanyang lolo at sinabing pagkatapos na lamang mananghalian kung saan nagalit ang matanda sa tinuran ng kanyang apo.

Humantong sa mainitang pagtatalo ang maglolo kung saan nakipagsagutan pa ang apo kaya nairita ang matanda at isinagawa ang pananaga.

Tinangkang tumakas ng matanda subalit nakorner naman ng pulisya.

 

vuukle comment

ALBAY

AMIEL HIRAY

BACACAY

HUMANTONG

NAISUGOD

NAKIKIPAGLABAN

REYNERIO BELLEN

SUBALIT

TINANGKANG

ZIGA MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with