^

Probinsiya

Mag-asawa inatado ng anak na adik

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Kasalukuyang nakikipag­buno kay kamatayan ang  mag-asawa matapos itong pagtatagain ng sariling anak na sinasabing adik sa bawal na droga sa Ba­rangay Villa Socorro, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Nasa intensive care unit sa Libmanan District Hospital ang mag-asawang Ma­tias Tordelia, 49; at Liba Tordelia 48, habang naaresto naman ang suspek na si Jico Tordelia, 20, pawang naka­tira sa na­sabing barangay.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, sinermunan ng ama ang kanyang anak na sina­sabing senglot matapos itong umuwi ng madaling-araw.

Gayon pa man, nanlisik ang mga mata ng suspek sa kanyang ama saka kinuha ang matalim na itak mula sa kusina ng kanilang bahay at isinagawa ang pananaga.

Namataan naman ng nanay­ ang ginawa ng suspek kaya sumaklolo ito su­balit maging siya ay pinagtataga.

Lango pa sa bawal na droga at alak nang arestu­hin ng mga barangay tanod ang suspek saka dinala sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

ALBAY

CAMARINES SUR

GAYON

JICO TORDELIA

KASALUKUYANG

LIBA TORDELIA

LIBMANAN DISTRICT HOSPITAL

SHY

VILLA SOCORRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with