^

Probinsiya

24-anyos ‘sex slave’ ng adik na tserman

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Isang 24-anyos na dalaga ang nasagip ng pinagsanib na puwersa ng Bulan at Masbate City Police sa isinagawang operasyon  sa kamay ng isang barangay captain na umano’y lulong sa illegal droga na umano’y dumukot at gumahasa sa biktima sa loob ng isang lod-ging house sa Masbate City kamakalawa ng gabi.

Nasa maayos nang kalagayan ang biktima na itinago sa pangalang Princess ng Bulan, Sorsogon habang arestado ang nasabing barangay chairman na nakilalang si Tito Ibaya, 42, may-asawa ng Brgy. Mapina, nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/Sr. Supt. Culbert Sison, provincial director kay PCSupt. Victor P. Deona, regional director ng pulisya sa Kabikulan, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa nang ma-rescue ang dalaga matapos na makatanggap ng impormas-yon ang kanilang tanggapan na sa nasabing lugar dinala ni Ibaya si Princess.

Matapos ang sumbong ng pamilya ng biktima sa pulisya, mabilis na nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Bulan MPS at kaagad na nakipag-ugnayan sa Masbate City Police upang iligtas ang biktima sa kamay ng tserman na umano’y lulong sa ipinagbabawal na droga.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya,  dinukot umano siya ng suspek sa Bulan at saka siya dinala sa Masbate kung saan nag-check in sa Room 3, Glorietta Lodging House  sa Brgy Nursery, Masbate at doon isinagawa ang panggagahasa. Pinuwersa pa umano siya ng suspek na mag-droga sa loob ng ilang araw habang siya ay paulit-ulit na hinalay.

Nang makakuha ng tiyempo ang biktima ay nakapag-text siya sa kanyang pamilya na siyang humingi ng saklolo sa pulisya. 

Isang kalibre 22 na pistola at mga drug paraphernalia na mga gamit sa paghithit ng pinaniniwalaang shabu, cash  pera at ilan pang mga mahahalagang bagay ang narekober sa loob ng naturang lodging house.

Ang operasyon ng awtoridad sa pagligtas sa dalagang biktima ay mahigpit na isinagawa mismo sa harap ng mga miyembro ng social worker, media at sa may-ari mismo ng naturang lodging house.

 

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY NURSERY

BULAN

CULBERT SISON

GLORIETTA LODGING HOUSE

ISANG

MASBATE

MASBATE CITY

MASBATE CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with