^

Probinsiya

Dalaga iniwan ng bf, nag-suicide

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA ,Legazpi City, Philippines  — Dahil sa pakikipag­hiwalay ng nobyo, isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwakal matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Purok  3, Brgy. Panarayon, Bacacay, Albay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon ng madiskubre ang nakabigting bangkay ng biktimang si Danica Barcellano na nakabitin sa loob ng silid nito.

Nabatid na ginamit ng biktima sa pagpapatiwakal ay ang strap ng kaniyang bag na nakatali sa palupo ng kanilang tahanan.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon noong Oktubre 23 dakong alas-7 ng gabi ay tinangka na ring magpakamatay ng biktima sa pamamagitan ng paghiwa sa kaniyang pulso pero napigilan ng kaniyang kasintahang tinukoy lamang sa pangalang Philip.

Sa pahayag ng mga kaibigan ng dalaga, matinding de­presyon ang nagtulak sa biktima para magpakamatay ma­tapos makipaghiwalay ang kasintahan.

vuukle comment

ALBAY

BACACAY

BRGY

DAHIL

DANICA BARCELLANO

LEGAZPI CITY

LUMILITAW

NABATID

OKTUBRE

PANARAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with