^

Probinsiya

6 kandidato sa brgy. polls dinukot ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na kandidato sa  barangay elections sa Lunes (Okt. 28)  ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa Barangay Sabud, bayan ng Loreto, Agusan del Sur noong Huwebes.

Sa phone interview, sinabi ni Captain Alberto Caber, Army’s regional spokesman, dakong alas- 9 ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang nasabing barangay kung saan dinukot sina Lito Andalaque, Balaba Andalaque, Reynaldo Piodos, Marvin Bantuasan, Gina Bantuasan, at si Pepe Subla na pawang miyembro ng Tribong Lumad.

Sa inisyal na imbestigasyon, nais ng mga rebelde na impluwensyahan ang eleksyon kaya binihag ang mga biktima na sinasabing kalaban ng mga kandidatong sinusuportahan ng NPA.

Nabatid na naunang hinarass ng NPA ang detachment ng militar sa nasabing bayan kung saan  sumunod namang sinalakay ang Barangay Sabud kung  saan binihag ang mga biktima.

Kaugnay nito, bumuo na ng Crisis Management Committee ang pamahalaang lokal para sa ligtas na pagpapalaya sa mga biktima.

vuukle comment

BALABA ANDALAQUE

BARANGAY SABUD

CAPTAIN ALBERTO CABER

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

GINA BANTUASAN

LITO ANDALAQUE

MARVIN BANTUASAN

NEW PEOPLE

PEPE SUBLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with