^

Probinsiya

Van vs telecom tower: 6 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humantong sa trahedya ang masayang outing  ng isang pamilya sa beach resort makaraang sumalpok ang van sa telecommunications tower na ikinasawi ng anim na magkakapamilya sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Fe Monares, 40; Nikki,16; Khea, 14; mga anak ni Fe; mga pinsang sina Ronald, 39; Rhona Mae Anghad at si Kenneth Mascariñas.

Sugatan naman ang apat kabilang na ang driver na si Nilo Mascariñas na pawang naisugod sa ospital.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Camilo Cascolan, director ng Compostella Valley PNP, naganap ang malagim na sakuna sa kahabaan ng Davao-Agusan Highway sa bahagi ng Purok Dao, Barangay Banlag, Monkayo bandang alas-9:45 ng gabi.

Base sa police report, ang mga biktima ay lulan ng van mula sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte at pauwi na sana nang makasalubong si kamatayan pagsapit sa pakurbadang kalsada kung saan nagpagewang-gewang ang takbo nito hanggang sa sumalpok sa telecom tower.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay bumaliktad at halos nayupi ang van kung saan naipit sa loob ang mga nasawi.

 

vuukle comment

BARANGAY BANLAG

CAMILO CASCOLAN

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELLA VALLEY

DAVAO-AGUSAN HIGHWAY

FE MONARES

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

KENNETH MASCARI

MONKAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with