^

Probinsiya

2 traders itinumba ng riding in tandem

Raymund Catindig at Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang negosyante kabilang ang isang Intsik ang nasawi  matapos  pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem na mga armadong salarin sa magkakahiwalay na insidente sa Brgy. Victory Norte, Tuguegarao City, Cagayan at Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa.

Ayon sa Tuguegarao City Police, patay ang  biktimang si Jaime Go, 68 anyos at isang prominenteng negosyanteng Intsik matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem na mga salarin sa Brgy. Victory Norte ng lungsod ng Tuguegarao kamakalawa.

Kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang kotse na bumabagtas sa lugar ng ratratin ng riding in tandem pagtapat sa lugar. Ang biktima ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa dibdib.

Iniulat naman ng Cabanatuan City Police ang pagkamatay ng 49 anyos na negosyanteng si Elena San Agustin, 49 na pinagbabaril sa ulo sa kaniyang tahanan sa Brgy. Buliran ng lungsod kamakalawa bandang alas-7:20 ng gabi.

Ayon sa ilang testigo, nasa hardin ang ginang at nagpapahangin ng pagbabarilin ng riding-in-tandem na tumapat sa bakuran ng tahanan ng biktima. Ang mga suspek ay mabilis na tumakas nang masigurong napuruhan ang target.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang sa dalawang negosyante.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CABANATUAN CITY

CABANATUAN CITY POLICE

ELENA SAN AGUSTIN

INTSIK

JAIME GO

NUEVA ECIJA

TUGUEGARAO CITY

VICTORY NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with