^

Probinsiya

2 pulis nakapuga sa kuta ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakas ang dalawang pulis na kinidnap ng mga rebeldeng New People’s Armymatapos agawan ng baril  at mapatay ang dalawang bantay na rebelde sa kagubatan ng Barangay Maitum sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay P/Chief Supt. Getulio Napeñas, director ng Caraga PNP, nakatakas sina PO2 Ronald Alan Muñez at PO1 Nemuel España makaraang agawan nila ng AK-47 rifle ang dalawang bantay na rebelde.

Sina Muñez at España ay dinukot ng mga rebelde matapos na rumesponde sa kaguluhan sa Brgy. Poblacion noong Linggo ng gabi.

Nabatid na sinamantala ng dalawang pulis na maka­tulog ang kanilang mga bantay at agad na sinunggaban ang hawak na AK-47 rifle may ilang metro mula sa mga kasamahang rebelde.

Nagtig-isa ng baril ang dalawang pulis na tumakas kung saan hinabol naman ng mga armadong rebelde ay nagawang mabaril ni Muñez at mapabulagta ang dalawang NPA.

Nagdesisyon naman si Muñez na maghiwalay sila ni España upang mahati ang mga rebeldeng humahabol kaya ligtas na nakarating sa himpilan ng Loreto PNP.

Samantala, kahit nanghihina ay nalusutan ni España ang mga humahabol na rebelde matapos itong tulu­ngan at itago ng mga sibilyan na pinahiram ng cell phone para makatawag ng rescue operation.

vuukle comment

BARANGAY MAITUM

CHIEF SUPT

ESPA

GETULIO NAPE

LORETO

NEMUEL ESPA

PLUSMN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with