^

Probinsiya

Shoplifter inatake ng epilepsy, utas sa mall

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang notoryus na shoplifter ang nasawi makaraang bigla itong atakehin ng sakit na epilepsy nang manlaban sa umaarestong mga  miyembro ng customer intelligence (CI) ng Gaisano Metro Mall  sa Cebu City nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Mario Alfie Ducay, nasa hustong gulang na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. Sa imbestigasyon, sinabi ni Inspector Manuel Cañete, Chief ng Homicide Division ng Cebu City Police, bandang alas-6:30 ng gabi ng mahuli umano ng mga CI   ang suspek na walang resibo ang mga pinamili nitong groceries habang naglalakad sa ikalawang palapag ng mall. Ayon kay Cañete habang inaaresto ay nagpumiglas ang suspek at bigla na lamang itong natumba saka bumula ang bibig na  pinaniniwalaang sinumpong ng sakit na epilepsy. Sa tala ng pulisya, may rekord ng shoplifting ang suspek na isinailalim na sa awtopsya ang bangkay.

 

vuukle comment

AYON

BIYERNES

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

GAISANO METRO MALL

HOMICIDE DIVISION

INSPECTOR MANUEL CA

ISANG

MARIO ALFIE DUCAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with