^

Probinsiya

3 Koreano hinoldap sa golf course

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Koreano ang hinoldap ng tatlong armadong kalalakihan habang abala sa paglalaro ng golf sa Barangay Lamintak sa bayan ng Medellin, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Shen Sung Hak, Lee In Hak at Shin Hyung Sek na pawang nanunuluyan sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-6 ng umaga habang abala sa paglalaro ng golf ang mga biktima sa Queen’s Island Golf and Hotel nang lapitan ng tatlong kalalakihan.

Agad na tinutukan ng mga suspek ng baril ang tatlong Koreano kung saan walang nagawa ang mga biktima kundi ang ibigay ang kanilang mga cellphone, alahas at pera.

Nabatid na nagawang makapasok ng mga holdaper sa golf course na hindi dumaraan sa security guard sa pamamagitan ng pagsira sa interlink wire na nagsisilbing bakod ng golf course.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap bago nagsitakas ang mga suspek na dumaan sa winasak na bakod.

Sa isinagawang pagsisiyasat, natukoy naman ang isa sa tatlong holdaper na si Alimar Dela Rama ng Barangay Don Virgilio Gonzales sa nasabi ding bayan  at isa sa mga notor­yus na holdaper sa Cebu.

 

vuukle comment

ALIMAR DELA RAMA

BARANGAY DON VIRGILIO GONZALES

BARANGAY LAMINTAK

CAMP CRAME

CEBU

ISLAND GOLF AND HOTEL

LEE IN HAK

SHEN SUNG HAK

SHIN HYUNG SEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with