^

Probinsiya

Ex-pulis, kagawad itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  – Napaslang ang dating pulis at kaibigan nitong barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng videoke bar sa Barangay Salangan sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. 

Nagtamo ng walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina ex-SP03 Danilo Gatmaitan, 51, biyudo at Kagawad Ferdinand Sanguyo, 55, kapwa nakatira sa Barangay Camias.

Sa ulat ni P01 Venancio Buquel, magkasamang nag-iinuman ang mga biktima sa 25th Ave. Bar and Grill nang lapitan at ratratin ng dalawang nakamotorsiklo. Pinaniniwalaang may bahid-politika ang pamamaslang sa dalawa dahil kapwa taga­suporta ng kandidato sa ma­yoralty race sa 2013 mid term elections habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BAR AND GRILL

BARANGAY CAMIAS

BARANGAY SALANGAN

BULACAN

DANILO GATMAITAN

KAGAWAD FERDINAND SANGUYO

NAGTAMO

NAPASLANG

PINANINIWALAANG

SAN MIGUEL

VENANCIO BUQUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with