^

Probinsiya

Ambush: Pangulo ng asosasyon ng trike, dedo

- Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines - Napaslang ang 49-anyos na pangulong ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) makaraang ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay Pulong Bayabas sa bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa San Miguel District Hospital ang biktimang si Danilo De Los Santos ng Barangay Bulaong sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Judesco Desiatco, nagmamaneho ng traysikel ang biktima kasama ang kanyang asawang si Helena at anak na si Daisy Delos Santos nang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins pagsapit sa nasabing barangay.

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima habang hindi naman sinaktan ang kanyang asawa at anak na nasaksihan ang pamamaril.

Narekober sa crime scene ang cal. 30 Carbine at dalawang magasine na pag-aari ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BARANGAY BULAONG

BARANGAY PULONG BAYABAS

BULACAN

DAISY DELOS SANTOS

DANILO DE LOS SANTOS

DRIVERS ASSOCIATION

IDINEKLARANG

JUDESCO DESIATCO

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with