^

Probinsiya

Umbagerong mister tinodas ni misis

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Umabot sa sukdulan ang pagtitimpi ng 43-anyos na misis matapos nitong pagbabarilin ang sariling mister nang muli na namang bugbugin ang ginang at saktan din ang kanilang mga anak sa Barangay Montevista, Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Anim na tama ng bala ng cal.357 revolver ang tumapos sa buhay ni Wilson Precioso, 44, magsasaka habang nahaharap naman sa kasong parricide ang misis nitong si Daisy Precioso.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ng krimen sa tahanan ng pamilya Precioso sa Purok 5 sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na senglot na umuwi ang biktima na muling binugbog ang kaniyang misis at sinaktan din ang mga anak kung saan ay hindi pa ito nakuntento ay tinatakot pa silang mag-iina na babarilin ng hawak na cal.357 revolver.

Sa puntong ito ay hindi na nakapagtimpi ang misis na nakipag-agawan ng baril sa kaniyang mister bago pa nito makalabit ang gatilyo.

Palibhasa’y lasing, nagawang maagaw ng misis ang baril kung saan ay pinaputukan ng sunud-sunod ang kaniyang mister hanggang sa mapatay.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang misis bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Napag-alamang minsan ng na-convict ang biktima sa kasong homicide pero nakalaya matapos mabigyan ng parole ng korte.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY MONTEVISTA

BATAY

BAYUGAN CITY

BOLUNTARYO

CAMP CRAME

DAISY PRECIOSO

LUMILITAW

MISIS

WILSON PRECIOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with