^

Probinsiya

Trader utas sa akyat-bahay, misis grabe

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na negos­yanteng mister ang iniulat na nasawi habang malubha naman ang 7- buwang buntis nitong misis matapos pagbabarilin ng mga notoryus na Akyat-Bahay Gang na nanloob sa tahanan ng mga ito sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napaslang na trader na si Alvin Perez habang naisugod naman sa ospital ang misis na tinukoy lamang na Gng. Perez.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang malagim na krimen sa tahanan ng mag-asawang Perez sa Barangay Galarin, Urbiztondo bandang alas-11 ng gabi.

Base sa imbestigas­yon, kumatok ang grupo ng akyat-bahay sa tahanan ng mag-asawa na napagkamalang mga katulong kaya pinagbuksan.

Sinasabing ginaya ng mga kawatan ang boses ng isa ng mga helper kaya nagtiwala naman ang mag-asawa.

Nang buksan ng mister ang pintuan ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima kung saan binaril din ang misis nito.

Nagkunwaring patay na rin ang babaeng Perez kaya hindi na muli pang binaril habang niransak na ng mga magnanakaw ang tahanan ng mag-asawa.

Ilang saglit pa ay mabilis na tumakas ang mga kawatan tangay ang mamahaling kagamitan, alahas at salapi ng mag-asawa.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ALVIN PEREZ

BARANGAY GALARIN

GNG

ILANG

ISANG

KINILALA

PEREZ

URBIZTONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with