^

Probinsiya

Naputulan ng 2 binti sa sagasa ng tren

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng pagkaputol ng dalawang binti ng 29-anyos na binata ang pagtulog nito sa tabi ng riles makaraang masagasaan ng tren sa Barangay Nueva sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jomar Rarogal ng Magnolia Street, Pacita Complex 2, Barangay San Vicente sa bayang nabanggit.

Ang biktima ay naputulan ng dalawang binti matapos masagasaan ng tren bukod pa sa pagkasugat sa kaliwang teynga, dibdib at iba pang bahagi ng katawan kaya isinugod sa Divine Mercy Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital.

Lumilitaw na nakatuwaan ng biktima na mahiga sa tabi ng riles habang wala pa ang tren. Gayon pa man, ‘di sinasadyang naidlip ito bunga ng sobrang pagod sa trabaho at nagkataong biglang dumaan ang humahagibis na tren na biyaheng Ligao City, Albay kaya naganap ang trahedya.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY NUEVA

BARANGAY SAN VICENTE

DIVINE MERCY HOSPITAL

JOMAR RAROGAL

LIGAO CITY

MAGNOLIA STREET

PACITA COMPLEX

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with