^

Probinsiya

Bunso kinatay ni kuya dahil sa mana

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Pinaniniwalaang alitan sa mamanahing lupa na iniwan ng kanilang mga magulang, pinagtataga hanggang sa mapatay ang 56-anyos na mister ng kanyang utol na magsasaka sa Barangay Balauini sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Rey Capili, ang nasawi na si Saturnino Martin habang malubha naman ang misis nitong si Felipa Martin, 50.

Nabatid na pinatawag ng suspek na si Teodoro Martin, 71, ang kanyang kapatid at asawa nito sa kanilang tahanan upang pag-usapan ang hidwaan kaugnay sa mamanahing lupa mula sa kanilang mga magulang.

Hindi pa man nakakaabot sa tahanan ng nakatatandang Martin ang mag-asawa ay sinalubong na sila ng suspek.

Agad na pinagtataga ng suspek ang kapatid sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan habang tinaga at hinabol din ng suspek ang sugatang hipag nito subalit nasaklolohan ito ng taumbayan.

Sa ngayon ay humihimas ng malamig na rehas ang suspek sa himpilan ng pulisya habang nakaratay sa pagamutan ang kanyang hipag at pinaglalamayan naman ng kanilang pamilya ang kapatid nito.

vuukle comment

AMULUNG

BARANGAY BALAUINI

FELIPA MARTIN

KINILALA

NABATID

PINANINIWALAANG

REY CAPILI

SATURNINO MARTIN

SUSPEK

TEODORO MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with