^

Probinsiya

Mag-utol nilamon ng apoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natusta ang magkapatid na batang lalaki makaraang makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Toledo City, Cebu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Alexander Borgador Jr., 2; at Harvey Borgador, 5, kapwa nakatira sa Sitio Sinsin, Barangay Sam-ang sa Toledo City.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Borgador dakong alas-11 ng gabi.

Lumilitaw na iniwan sandali ng kanilang inang si Jovelyn ang dalawang anak habang natutulog upang hanapin ang kaniyang asawa na nasa labas ng bahay.

Ipinad-lock ni Jovelyn ang kanilang pintuan upang hindi lumabas ang mga anak sakaling magising dahil wala siya sa kanilang tabi.

Gayon paman, ayon kay SFO2 Constancio Alcover Jr., nang bumalik si Jovelyn kasama ang asawa ay nababalutan na ng makapal na usok at apoy ang kanilang tahanan.

Nabigo namang mailigtas ang mag-utol dahil sa masyadong malaki na ang apoy na bumalot sa buong kabahayan.

Ayon sa mga arson investigator, posibleng natumba ang lampara habang natutulog ang mga bata na pinagmulan ng sunog at hindi rin nagawang makalabas dahilan sa nakakandado ang pintuan.

vuukle comment

ALEXANDER BORGADOR JR.

AYON

BARANGAY SAM

BORGADOR

CAMP CRAME

CONSTANCIO ALCOVER JR.

HARVEY BORGADOR

JOVELYN

SITIO SINSIN

TOLEDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with