^

Probinsiya

3 suspek sa rape, tiklo

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines - Tatlong kalalakihan na mga pangunahing suspek sa kasong panghahalay ang nadakma ng mga ope­ratiba ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon na inilatag sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina William David, 47, ng Brgy. Bagumbayan, Bocaue; Rolando Pangan, 18, ng Brgy.Sta. Cruz, Sta. Maria; at si Ernesto Azaña, 21, ng Brgy.Taal sa bayan ng Pulilan. Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Olivia Escubio-Samar ng Malolos City Regional Trial Court Branch 79. Base sa ulat, si David ay inireklamo ng 11-anyos na mag-aaral na hinalay sa Barangay Bagumbayan habang si Pangan naman ay sinasabing ginahasa ang 5-anyos na batang babae sa Barangay Sta. Cruz. Samantala, si Azana naman ay inireklamo ng 15-anyos na estudyante sa kasong rape sa Barangay Taal sa bayan ng Pulilan, Bulacan.

vuukle comment

BARANGAY BAGUMBAYAN

BARANGAY STA

BARANGAY TAAL

BRGY

BULACAN

CRUZ

ERNESTO AZA

JUDGE OLIVIA ESCUBIO-SAMAR

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PULILAN

ROLANDO PANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with