^

Probinsiya

Ambulansya vs pickup: Nurse todas, 6 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasawi ang 45-anyos na nurse habang anim iba pa ang nasugatan makaraang salpukin ng pickup ang sinasakyang ambulansya ng mga biktima sa Cebu City noong Martes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ni P/Senior Supt. Melvin Ramon Buenafe, naganap ang insidente sa panulukan ng M.J. Cuenco at Juan Luna Avenue habang patungo ang ambulansya na may pasyente sa Mactan-Cebu International Airport.

Kinilala ang nasawing biktima na si Trecie Abano, nurse na nakabase sa Singapore kung saan tumilapon ang katawan palabas ng ambulansya sa lakas ng banggaan.

Sugatan naman ang driver ng ambulansya na si Juan Cabigas; turistang pasyente na si Jasmin Michael, 38, ng San Diego, California; Dr. Mah Si Chong at tatlong paramedics na sina Lester Milan, 25; Roy Jumaoas, 25 at Sayyio Datukon, 28.

Lumilitaw na bumabagtas sa lugar ang ambulansya  ng Chong Hua Hospital (YHR -911) nang salpukin ng Toyota Hi-Luz (YKH 500) ni Anthony Logarta, 20.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak si Logarta na hindi pinansin ang sirena at emergency lights ng ambulansya.

Samantala, bukod sa ambulansya ay bahagya ring nasalpok ng sasakyan ni Logarta ang taxi (GLX890) ni Ricardo Torsino.

vuukle comment

AMBULANSYA

ANTHONY LOGARTA

CEBU CITY

CHONG HUA HOSPITAL

DR. MAH SI CHONG

JASMIN MICHAEL

JUAN CABIGAS

JUAN LUNA AVENUE

LESTER MILAN

LOGARTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with