^

Probinsiya

2 suspek sa Palawan blast, dakma

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ope­ratiba ng Palawan PNP at Criminal Investigation and Detection Group ang pa­ngunahing suspek sa magkakasunod na pagpapasabog sa El Nido Resort at Puerto Princesa City, Palawan noong Huwebes Santo.

Isa sa suspek ay kinila­lang si Jheramae Hassan, na itinuro ng mga Muslim sa Palawan na pinagmulan ng text messages ng pananakot ng pambobomba kabilang ang may-ari ng Royale Transport Bus bago naganap ang insidente.

Nabatid sa ulat ng pulisya na si Jheramae ay sinasabing anak ni Hiya Hassan na kawani sa Palawan Provincial Capitol.

Sa ulat ni P/Inspector Grace Vic Gomba, na bukod kay Hassan ay isinailalim na rin sa tactical interrogation ang isa pang suspek bagaman tumanggi munang tukuyin ang pagkakakilanlan habang patuloy ang imbestigasyon.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na si Hassan din ang nag-text kay Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at ipinarating na ang pagpapasabog ay bilang ganti sa pagsuporta ng alkalde sa isa pang grupo ng Muslim sa nasabing lungsod.

Magugunita na noong Huwebes Santo ay niyanig ng  pagsabog ang Puerto Royal Express Bus Station sa gilid ng gasolinahan sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City dakong alas-5:30 ng hapon na ikinasugat nina Marivic Aria, 28; at Cenon Magdayo, 75.

vuukle comment

BARANGAY SAN JOSE

CENON MAGDAYO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EL NIDO RESORT

HASSAN

HIYA HASSAN

HUWEBES SANTO

INSPECTOR GRACE VIC GOMBA

PALAWAN

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with