^

Probinsiya

Bus bumaliktad: 28 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 28- katao ang iniulat na na­sugatan matapos bumaliktad ang pampasaherong bus na sinasabing nasalpok ng dump truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Mainit, Naga City sa Cebu kamakalawa ng umaga. Naisugod naman sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang mga sugatang pasahero ng Calvo Bus matapos ang sakuna bandang alas-8 ng umaga. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na patungong Toledo City ang bus nang mag-overtake ito sa sinusundang dump truck subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasalpok naman ng isa pang truck. Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaliktad ang bus na ikinasugat ng mga pasaherong sakay nito. Tumakas naman ang driver ng bus na nakilala lamang sa alyas Marcial bago pa man maaresto ng pulisya habang ang driver ng dump truck ay isinailalim na sa kustodya ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY MAINIT

CALVO BUS

CAMP CRAME

CEBU

MARCIAL

NAGA CITY

NAISUGOD

TINATAYANG

TOLEDO CITY

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with