^

Probinsiya

Factory worker dedo sa ex-bf

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE ,Philippines – Tadtad ng saksak sa buong katawan ng iwanan ng suspek ang umano’y ex-girlfriend nito makaraang makita nitong may katabing lalaki sa higaan ng inuupahang kuwarto ng biktima sa bayan ng Carmona kamakalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Armandi Dimabuyo ang biktima na si Jamella Rojales, factory workers at residente ng Corehouse Baragay Bucal ng bayang nabanggit.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sinasabing ex-boyfriend ng biktima at nakilalang si Marvin Alonso, 35 may-asawa, tricycle driver at residente ng Barangay Maguyam, Silang, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:45 ng tanghali ng puwersahan umanong pumasok si Alonso sa inuupahang kuwarto ng biktima at nakitang katabi ni Rojales ang kasalukuyang boyfriend nito na si John Aaron Basero.

Biglang naghanap ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Dahil sa mabilis na pangyayari, wala na umanong nagawa si Basero sa ginawa ng suspek sa biktima na naalimpungatan din sa ginawa ng huli, matapos umano ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek. Hindi naman nagawang saktan ng suspek si Basero.

Narekober sa bahay ng biktima ang patalim na ginamit na may habang 10 inches na may bahid ng mga dugo.

vuukle comment

ALONSO

ARMANDI DIMABUYO

BARANGAY MAGUYAM

BASERO

BIKTIMA

CHIEF INSP

COREHOUSE BARAGAY BUCAL

JAMELLA ROJALES

JOHN AARON BASERO

MARVIN ALONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with